Alam mo yun? May mga taong kahit ano ang gawin mo eh parang hindi napapansin ang effort mo. Yung mga effort na pinaghihirapan parang wala lang sa kanila, yung mga bagay na akala mo ma appreciate niya eh balewala lang pala sa kanya. Minsan nga nakangiti ka na lang tatanggapin ang lahat ng pangyayaring ginagawa niya sayo bilang tao. Wala kang magawa kasi pinili mong gawin eh.
Minsan mapapaisip ka talaga kung tama lang ba yung effort na ginawa mo. Kung worth it ba siya o kung ano pa man. Kasi kapag napapagod ka na, naiisip mo lahat ng ginawa mo sa kanya, parang nauuwi lang sa wala.
May mga panahon, araw, oras o pagkakataon na kahit hindi mo sinasadya, Kung talagang pinagtatagpo kayo, mababangga at mababangga mo siya, Kahit nalampasan mo na siya, kung siya talaga ang hinahanap mo, babalikan at babalikan mo siya.
Minsan sabi mo makikiraan ka lang, pero hindi mo lang alam na iyon na pala ang hangganan ng iyong paglalakbay.
Hindi palaging ikaw nalang ang pakikisamahan, Hindi palaging ikaw nalang ang iintindihin dahil lang dyan sa paborito mong salitang, Di mo kailangan magbago, kasi ikaw yan, kaya bahala na yung taong nakapalibot sayo, kung tatanggapin ka o hindi. Pwede ba! Hindi ka isang hari…
May kani-kanya tayong definition ng pagmamahal, may kani-kanya tayong paraan para maipakita ‘yung ~love~ natin sa isang tao. Pero sa tingin ko talaga bukod sa effort, and words (pagsasabi ng “I love you” everyday)— marami pa tayong ibang bagay na dapat matutunan, para malaman natin kung paano…
Siguro nga hindi tayo okay ngayon, na kailangan na nating iwan ang isa’t isa, pero alam mo, kahit na ganun, kahit na ngayong magkaiba na tayo ng mundong ginagalawan, Umaasa parin akong magkakasalubong ang landas natin sa huli, Na ikaw parin ang makakasama kong tumanda.